POC mamumudmod ng cash incentives
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang mahigit P50 milyong insentibong ipamamahagi ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa mga atletang nagkamit ng medalya sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon kay POC President Abraham Tolentino, magbubulsa ang individual gold medalist ng P200,000 habang ang team medalist na may dalawang mi­yembro ay magkakamit ng P100,000.

Bibigyan naman ng tig-P75,000 ang team medalist na may tatlo hanggang apat na miyembro at tig-P50,000 ang team meda­list na may limang atleta pataas.

“We got some help from our friends, notably Mr. Dennis Uy of Udenna and Phoenix and my colleagues in Congress. The POC alone does not have enough cash to include everyone but we were fortunate to have individuals who personally pitched in because they believe our athletes deserve to be rewarded,” ani Tolentino.

Sa kabilang banda, ang mga individual silver meda­lists at teams na may dalawang miyembro ay bibigyan ng tig-P50,000 bawat atleta habang ang team na may tatlo pataas na miyembro ay mabibiya­yaan ng tig-P30,000.

Lahat ng bronze meda­lists ay may P30,000.

Sa kabuuan, aabot ng P52.87 milyon ang ipamamahagi ng POC.

“It’s the least we can do for the athletes who sacrificed, toiled and persevered to make our countrymen proud in our hosting of the Games,” dagdag ni Tolentino.

Nagpasalamat si Tolentino sa mga nagbigay ng kontribusyon para sa mga insentibo ng mga atleta partikular na sa MVP Sports Foundation ni businessman Manny V. Pangilinan.

“With the pre­vious contributions from San Miguel Corporation, the MVP Sports Foundation and the PBA, plus yesterday’s pledge of P15M from Mr. Uy and P6M from the members of Congress, we are able to make this happen,” ani Tolentino.

Humakot ang Pilipinas ng kabuuang 149 ginto, 117 pilak at 121 tanso para tanghaling overall champion sa ikalawang pagkakataon sa biennial meet.

Nalampasan ng Team Philippines ang 113 gintong medalyang nasikwat nito noong 2005 edisyon na ginanap din sa Pilipinas kung saan nakuha ng pambansang delegasyon ang kauna-unahang overall title.

POC SAN MIGUEL CORPORATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with