^

PSN Palaro

Giyera sa semis lalarga na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Northport vs Ginebra sa pagbabalik ng pba

MANILA, Philippines — Matapos igiya ang Gilas Pilipinas sa pang-18 korona sa men’s basketball event ng katatapos na 30th Southeast Asian Games ay susubukan naman ni coach Tim Cone na maihatid ang Barangay Ginebra sa PBA Finals.

Sisimulan ng Gin Kings at NorthPort Batang Pier ang kanilang best-of-five semifinals series para sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Game One ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sinibak ng No. 4 Ginebra ang No. 5 San Miguel, 100-97, sa kanilang quarterfinals duel na tumapos sa pangarap ng Beermen na makopo ang ikalawang PBA Grand Slam.

Nagkampeon ang San Miguel sa 2019 PBA Phi-lippine at Commissioner’s Cup. Bilang No.8 seed ay kinailangan naman ng NorthPort na talunin ng dalawang beses ang No. 1 ranked NLEX sa quarterfinals.

Makaraang kunin ang 115-90 panalo ay inangkin ng Batang Pier ang 126-123 triple-overtime win para patalsikin ang Road Warriors at itakda ang kanilang semis showdown ng Gin Kings.

“We know NorthPort is coming in with a lot of confidence and momentum after knocking out the No. 1 seed,” wika ni Cone.

Ang Batang Pier ni mentor Pido Jarencio ang na­ging ikaapat na koponang sumibak sa isang No. 1 team papasok sa semis.

Ang mga nauna ay ang Ginebra noong 1999 All-Filipino Cup, ang San Miguel noong 2002 Governors’ Cup at ang Powerade noong 2012 Philippine Cup.

Sa una nilang pagtatagpo sa eliminasyon ay tinakasan ng NorthPort ang Ginebra, 98-96, para ibulsa ang pang-walo at huling tiket sa eight-team quarterfinals noong Nob­yembre 17. 

Samantala, magtutuos naman ang TNT Katropa at Meralco sa sarili nilang semis bukas sa Big Dome.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with