Ion and Vice
Vice ramdam na hindi lang pera ang habol sa kanya ni Ion!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

Mukhang masyado nang open sina Vice Ganda at Ion Perez tungkol sa kanilang relasyon. Inamin ni Vice na noong una ang arrangement nila ay may

relasyon sila pero sila lang ang nakakaalam, “kagaya rin ng ibang mga nauna kong relasyon dahil ayoko namang madamay ang pamilya nila sa mga

usapan”. Pero napilitan nga raw silang aminin na iyon dahil si Ion mismo ang nagtatanong sa kanya ng “bakit hindi natin maaamin na tayo na nga?”

Kasama rin si Ion sa festival movie ni Vice, na The Mall The Merrier, pero hindi sila magka-partner. Walang love angle sa story nilang dalawa, kasi nga

umikot daw iyon sa kuwento ng magkapatid, na sina Vice at Anne Curtis.

Aminado si Vice na nagpupunta na siya ngayon sa bahay nina Ion sa Tarlac. Maski raw ang mother niya ay nakarating na rin sa bahay nina Ion.

Nagkakasundo naman daw ang mga nanay nila. Mukhang kasundo na rin ni Vice ang lahat ng mga kapatid ni Ion, at labing apat pala silang lahat.

Ngayon naging honest na si Vice sa kanyang mga nakaraang karanasan. Inaamin na niyang noong araw marami na rin siyang minahal, na hindi naman

siya minahal. Mukhang aminado na siyang noong araw, ang naging relasyon niya sa mga sinasabing minahal niya ay kagaya lamang ng ibang mga gay-

man relationship. Siyempre kailangan may pera ka at mayaman ka. Tanggap na niya ngayon na nangyaring lahat iyon dahil mayaman na nga siya.

Itong kay Ion, sinasabi niyang iba.

Hindi naman daw siya nag-isip na magpakasal sila na kung iisipin mo nga naman wala pa namang same sex marriage dito sa atin. Ibinasura pa nga ng

Korte Suprema ang petisyong kilalanin iyan. Pero sinasabi nga nilang baka dumating ang araw na umabot din sila roon.

Pamilya ni Mico Palanca humihingi ng privacy

Gabi na nang biglang kumalat ang kuwento na diumano’y namatay ang actor na si Mico Palanca matapos na tumalon mula sa isang residential building

sa Santolan. Patay daw agad ang actor, at hindi na umabot pa sa ospital kung saan siya isinugod ng mga nakakita sa pangyayari.

May mga ispekulasyon na dumadaan sa depression si Mico dahil diumano sa isang love affair.

Mabilis namang nagpasalamat ang buong pamilya niya sa mga nagpakita ng concern at pagmamahal sa kanya sa kabila ng nangyari, pero hiningi nilang

bigyan sila ng privacy sa panahong ito ng kanilang pagdadalamhati sa pagkawala ni Mico.

Shamsey Supsup naghahanap nang bagong Miss U

Wala na ang Miss Universe sa Binibining Pilipinas Charities na siyang humawak ng franchise noon sa simula’t simula. Pero kung natatandaan ninyo,

matagal nang usapan na gusto na nilang tapusin ang kasunduan sa Binibining Pilipinas. In fact, hindi nga ba’t umugong pang ang papalit sana ay isang

kumpanya ni Governor Chavit Singson?

Ang pipili na ng susunod na Miss Philippines Universe ay isang bagong kumpanya na ang mamumuno naman ay ang beauty queen na si Shamcey

Supsup, at magsisimula na sila agad sa susunod na search. Wala silang hahawakang ibang franchise kundi Miss Universe lamang.

Iyon siguro ang magiging advantage nila.

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with