Pormal nang inanunsiyo nina MPBL owner Sen. Manny Pacquiao (gitna) at Bounty Agro Ventures Inc. (BAVI) President Ronald Mascariñas (kanan) ang pagsasanib-puwersa ng Chooks-to-Go at MPBL para sa Lakan Cup ng liga.
Kuha ni Chris Co
Chooks-to-go palalakasin ang MPBL
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magsasanib-puwersa ang Chooks-to-Go at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) upang higit na mapalakas ang pagtata

guyod ng pinakamalawak na basketball tournament sa bansa.

Pormal nang inanunsiyo ng Chooks-to-Go at MPBL ang kasunduan kahapon sa Edsa Shangri-La Hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong kahapon – isang

linggo bago ang ika-41 kaarawan ni MPBL owner Sen. Manny Pacquiao.

“Dahil ang MPBL ang tunay na tahanan ng mga Manok ng Bayan, we are committed to sponsor this league for five years,” ani Bounty Agro Ventures Inc.

(BAVI) President Ronald Mascariñas.

Malawak ang suporta ng Chooks-to-Go sa mundo ng sports. Maliban sa basketball, suportado rin ng grupo ang ilang pangunahing atleta at personalidad

sa iba’t ibang sports gaya ng volleyball.

Sa kabilang banda, hindi maikakailala na nananalaytay sa dugo ni Pacquiao ang sports.

Si Pacquiao ang naging daan upang buuin ang MPBL na isang venue para sa mga basketball players na ipamalas ang kanilang husay.

“This is just the beginning of a strong and long partnership between the MPBL and Chooks-to-Go. We all know that Chooks-to-Go has been helping in

sports development. Helping us is their way of helping a very successful business venture for me,” ani Pacquiao.

Sa katunayan, mula sa 10 koponan noong nagsimula ito, umakyat na sa 31 teams ang kasalukuyang naglalaro sa liga.

Masaya si Pacquiao sa pagpasok ng Chooks-to-Go na makakatuwang nito para lubos pang mapagtibay ang basketball program.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Samahang Basketbol ng Pilipinas director of operations Butch Antonio, International Basketball Federation (FIBA) Legal

Commission chairman Aga Francisco, BAVI chairman Tennyson Chen, MPBL governor at Pampanga congressman Dong Gonzales, Chooks-to-Go

Pilipinas

3x3 league commissioner Eric Altamirano at dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

CHOOKS-TO-GO MANNY PACQUIAO.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with