Ang miyembro ng soft tennis team.
Russell Palma
Pinoy netters humirit pa ng ginto
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ng national soft tennis team na magarbo ang pagtatapos ng kam­panya nito makaraang ang­kinin ang gintong medalya sa

men’s team event sa 2019 Southeast Asian Games soft tennis competitions kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center sa Malate, Manila.

Kumuha ng inspirasyon ang Pinoy netters sa mga kababayan nitong walang pagod na sumuporta sa kanila.

Hindi naman nabigo ang mga Pinoy fans matapos pataubin ng Pilipinas ang Thailand sa pamamagitan ng 2-1 desisyon sa gold-medal match.

Sa katunayan, mabagal ang simula ng Pinoy squad nang matalo sina Noel Damian Jr. at Mark Anthony Alcoseba sa u­nang doubles event laban kina

Sakan Thansiriroj at Thanarit Surarak sa iskor na 3-5.

Ngunit nakabawi ang host country makaraang ilampaso ni Joseph Arcilla si Kawin Yannarit, 4-1, sa singles para maitabla ang serye sa 1-1.

Hindi hinayaan ng Pinoy netters na humulagpos pa ang ginto makaraang magsanib-puwersa sina Mikoff Manduriao at Dheo Talatayod para gapiin sina

Teerapat Sujaritplee at Torlarp Songweera, 5-3, sa second doubles para matamis na kunin ang panalo.

Ito ang ikatlong ginto ng soft tennis team matapos makuha ang unang dalawang ginto sa women’s singles at women’s doubles mula kina Bien Zoleta at

Bambi Zoleta.

Nagkampeon si Bien sa singles habang nakatuwang nito si Bambi sa pagkopo ng double gold.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with