SEAG basketball dinomina ng Team Philippines
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pawang dinomina ng Pilipinas ang basketball event makaraang magwagi ang men’s at women’s team sa 30th Southeast Asian

Games kagabi sa Mall of Asia Arena.

Binanderahan ni June Mar Fajardo ang kam­panya ng 5-on-5 team nang tumapos ito ng 17 puntos at 13 rebounds para ibigay sa Nationals ang 115-81

panalo laban sa Thailand.

Ito ang ika-13 dikit na SEAG gold ng Pilipinas at ika-18 sa kabuuan.

Nauna rito, tuluyan nang inangkin ng Gilas Pilipinas women’s team ang gintong medalya  matapos pataubin ang Thailand, 91-71 sa women’s category.

Nagsanib puwersa sina Jack Animam, Janine Pontejos at Afril Bernardino upang itakas ang kampeonato at hawakan ang korona sa unang pagkakataon

simula noong 1977.

Sa kanilang panalo, tumapos ang Pilipinas wo­men’s squad sa 3-0 win-loss record habang pumapangalawa ang Thailand sa 3-1 card.

Umani si Animam ng 21 puntos at limang rebounds para masungkit ang kanyang ikalawang gintong medalya pagkaraang mag-kampeon din sa 3x3

women’s basketball event.

JUNE MAR FAJARDO SEAG BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with