Pasko ng mga atleta masagana
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaga ang Pasko ng mga atletang Filipino matapos umabot na sa P550,000 ang halaga ng isang gintong medalya na nasungkit

ng atletang Pinoy sa 30th Southeast Asian Games na magtatapos ngayon sa bagong tayong sports complex sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ito ay nangyari matapos mangako si Pangulong Rod­rigo Roa Duterte ng karagdagang P250,000 sa mga gold medalists,  P150,000 sa silver at P100,000

sa bronze me­dalists.

Ang nasabing halaga ay bukod pa sa ibibigay ng gobyerno na nakasaad sa Republic Act 10699 na tinatawag na national athletes expanded incentives

act na naging batas noong Nobyembre, 2015.

“We were all hoping and praying for this, but it is still a sweet surprise now that it is actually happening. I am so proud of our athletes. All of them de

serve our res­pect and love,” sabi ni PSC chairman William “Butch” Ramirez na siya rin ang Chief of Mission ng Team Philippines.

Sa RA 10699 makaka­tanggap ang gold me­dalist sa biennial meet ng P300,000, P150,000 sa silver medalists at P60,000 para sa bronze meda­lists kaya

aabot na sa kabuuang P550,000 para sa gold, P300,000 para sa silver at P160,000 para sa bronze medalists ang matatanggap ng mga nag-uwi ng

medalya.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), ang nasabing cash incentives ay ibibigay ngayong Disyembre 18 sa isang seremonya na gaganapin sa

Malacañang mismo.

Bukod sa cash incentives mula sa gobyerno, nangako rin ang Siklab Foundation ni Phoenix owner Dennis Uy at MVP Foundation ni Manny V. Pangilinan

ng cash incentives sa mga atletang tumutulong para makamit ng Team Philippines ang overall title sa ikalawang pagkakataon, ang una ay noong 2005.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with