Pinoy shooters bumaril pa ng 1 ginto
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

SUBIC , Philippines —  Isinara ng Team Philippines ang kampanya sa shooting competition sa pamamagitan ng pagbulsa sa isang gold medal sa

Southeast Asian Games kahapon dito sa Ilanin Forest.

Nagpaputok ang tatluhan nina Eric Ang, Carlos Carag at Alexander Topacio ng 338 points para angkinin ang gintong medalya sa men’s trap team

event.

Tinalo nina Ang, Carag at Topacio sina Bernard Yeoh, Chee Ong at Foo Chen (330) ng Malaysia at sina Savate Sresthaporn, Yodchai Phachonyut at

Kornthawat Tadthongkam ng Thailand (321) na nakuntento sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang nagpa­putok ng dalawang gintong medalya si Marly Martir sa kanyang pagrereyna sa women’s individual at team events ng precision

pistol.

Tinapos ng mga national sharpshooters ang kompetisyon na may kabuuang tatlong ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya para sa ikalawang

puwesto.

CARLOS CARAG SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with