^

PSN Palaro

Kampanya ng athletics maningning

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

CAPAS, Tarlac, Philippines — Nalampasan na ng Philippine national team ang nakolektang medalya sa athletics event noong 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2017.

Isang araw bago ang opisyal na pagtiklop ng 30th edition ng biennial event ay nagtakbo ang bansa ng pitong gintong medalya na tinampukan ng pagtatayo ng tatlong bagong rekord.

Ito ay ginawa nina Fil-American sprinter Kristina Knott, Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena at Fil-Am Natalie Rise Uy sa kani-kanilang events dito sa New Clark City Stadium.

Ipinoste ng 25-anyos na si Knott ang bagong SEA Games mark sa women’s 200-meter dash nang magtala ng bilis na 23.01 segundo para burahin ang 23.30 ni Supavadee Khawpeag na naitayo ng Thai bet noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur.

Ito rin ang bagong national record ni Knott na sumira sa 23.32 ni Zion Corrales Nelson sa U.S. NCAA kamakailan na nagbasura naman sa 1986 mark na 23.35 ni athletics great Lydia De Vega.

“I have until June to make it. It’s less than a year but I’m going back to training after this. Hopefully, I can train somewhere magnificent,” wika ni Knott sa kanyang hangaring makuha ang standard time na 22.80 para makalahok sa 2020 Olympic Games sa Tokyo.

Naglista naman ang 23-anyos na si Obiena ng bagong SEA Games record na 5.45m sa men’s pole vault para sirain ang 5.35m ni Porranot Purahong ng Thailand noong 2017.

Dinuplika ito ng 25-an­yos na si Uy nang magposte ng bagong SEA Games record na 4.25m para sa gold medal sa women’s pole vault.

Tinabunan ng Fil-Am ang six-year mark na 4.21m na inilista ni Sukanya Chomchuedee ng Thailand noong 2013 SEA Games sa Myanmar.

Maliban kina Knott, O­biena at Uy, ang iba pang kumuha ng gintong medalya sa kanilang mga events ay sina Christine Hallasgo (women’s marathon), William Morrison III (men’s shot put), Sarah Dequinan (women’s heptathlon) at ang mixed 4x100m relay team nina Knott, Eric Cray, Eloiza Luzon at Anfernee Lopena para sa pitong gold medals ng bansa.

Noong 2017 SEA Ga­mes sa Kuala Lumpur, Malaysia ay kumolekta ang bansa ng limang gold, tatlong pilak at 10 tansong medalya.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with