"Mahalagang itaguyod ang sportsmanship at magwagi, pero mas importante ang buhay ng tao," sabi ng Indonesian president sa kanilang wika sa Twitter, Lunes.
Mula sa Facebook ni Jefferson Ganuelas
Joko Widodo nagpasalamat sa Pinoy surfer na sumagip sa Indonesian noong SEA Games
(Philstar.com) - December 9, 2019 - 4:19pm

MANILA, Philippines — Pinapurihan ng gobyerno ng Indonesia ang Pilipinong atleta na nagligtas sa katunggaling surfer na kamuntikang malunod noong ika-6 ng Disyembre.

Matatandaang "sure-win" na sana ang Filipino na si Roger Casugay sa surfing competition ng Southeast Asian Games ngunit inabandona ang medalya para iligtas ang buhay ni Arip Nurhidayat.

"Mahalagang itaguyod ang sportsmanship at magwagi, pero mas importante ang buhay ng tao," sabi ng Indonesian president sa kanilang wika sa Twitter, Lunes.

"Ibinibigay ko ang aking pasasalamat kay Roger Casugay, isang Filipino surfer na binitawan ang ginintuang opurtunidad para tumulong sa atletang Indonesian na nahulog. Greetings mula sa Indonesia."

Dati nang binisita ni Widodo ang Pilipinas noong ika-8 hanggang ika-10 ng Pebrero, taong 2015 noong si Bengino Aquino III pa ang pangulo.

Sa kabila ng lahat ng nangyari, nakapag-uwi pa rin si Casugay ng gintong medalya matapos talunin ang sinagip na si Arip, at kapwa Pinoy na si Jay-R Esquivel, sa ikatlong round at finals ng men's longoard open surfing event.

Nakamit niya ang panalo kahapon, ika-8 ng Disyembre, sa Monaliza Point sa San Juan, La Union.

Matapos tanghalin bilang "hero surfer" ng madla, napili si Casugay na dalhin ang watawat ng Pilipinas sa darating na closing rites ng ika-30 SEAG sa Miyerkules.

"Dahil sa kanyang pagsasakripisyo nang ipagpalit ang ginto para iligtas ang kalaban, ipinakita niya ang tunay na kahulugan ng pagiging 'sport man,'" ani Philippine Sports Commission chairperson William "Butch" Ramirez.

INDONESIA JOKO WIDODO PINOY SURFER ROGER CASUGAY SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with