Tolentino tiwala sa PHL kickboxing team
Ang Pinoy kickboxers kasama si Samahang Kickboxing sa Pilipinas (SKP) president Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino (ika-5 mula sa kaliwa) bago ang kanilang laban sa semifinals ng kickboxing event ng 30th SEA Games.
Tolentino tiwala sa PHL kickboxing team
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - December 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiwala ang national kickboxing team na makapag-aambag ito ng gintong medalya sa Team Philippines sa 2019 Southeast Asian

Games.

Nanatiling optimistiko si Samahang Kickboxing sa Pilipinas (SKP) president Sen. Francis Tolentino sa kabila ng maalat na simula ng Pinoy fighters.

“Actually nagkaroon lang ng last minute decision ang Singapore at iba nating miyembro na mag-pulled out kung hindi 11 team talaga tayo. This is the inaugural competition ng kickboxing sa SEA Games and we’re happy at walong teams ang sumali,” ani Tolentino.

Masaya rin si Tolentino sa suporta ng International Federation kasama pa ang mga regional association para maging matagumpay ang pagtataguyod ng bansa.

Target ni Tolentino na maisama ang kickboxing sa susunod na edisyon ng Asian Games.

“We’re trying to lobby na mapasama na rin ang sports sa  Asian Games at tingin ko, hindi malayong mangyari ito dahil Vietnam ang  host sa 2021 SEA Games and with their participation here, tiyak kasama rin sa calendar of sports ang kickboxing sa Ho Chi Mi,” ani Tolentino.

Kaya naman patuloy ang pagbibigay nito ng inspiras-yon sa mga Pinoy fighters para makahirit ng ginto sa biennial meet.

“Hopefully manalo tayo ng gold dito. Medyo mataas talaga ang pressure dahil kabilang kami sa huling sports na ginawa. Although, we’re sure of the overall championship, siyempre gusto nating may maiambag tayo sa Team Philippines,” dagdag ni Tolentino.

Lalaruin ngayong araw ang walong finals sa Cuneta Astrodome.

“I’m confident kaya natin. Subsob sa training ang mga atleta natin. Malalakas ang kalaban, pero hindi tayo pahuhuli at tiyak makikipagsabayan ‘yan,” wika pa ni Tolentino.

Inaasahan ng tropa sina Internationalist Gina ‘The Conviction’ Iniong, kasama sina Jomar Ba­langui, Renalyn Dacquel at Rex De Lara.

 “The first day is always scary but if we can hurdle that, we have a good chance,” ani Tolentino.

SAMAHANG KICKBOXING SA PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with