^

PSN Palaro

Hero’s welcome kay Casimero

Pilipino Star Ngayon
Hero�s welcome kay Casimero
Ipinagkaloob ni Games and Amusement Board (GAB) Commissioner Mar Masanguid ang sertipiko ng pagkilala sa bagong WBO Bantamweight champion John Riel Casimero. Nasa larawan din sina GAB Chairman Baham Mitra sa isinagawang ‘Hero’s Welcome’ sa GAB office sa Makati City.

MANILA, Philippines — Kinilala ng Games and Amusement Board ang pagi­ging bagong World Boxing Organization bantamweight champion ni John Riel Casimero.

Ibinigay ni GAB Commissioner Mar Masanguid ang sertipiko ng pagkilala kay Casimero kasama sina Commissioner Ed Trinidad, Chairman Baham Mitra at mga empleyado ng ahensiya sa isinagawang Hero’s welcome sa GAB office sa Makati City.

Habang nakatuon ang pansin ng sambayanan sa ratsada ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games ay tahimik na dumating sa bansa si Casimero mula sa matagumpay na kampanya sa Birmingham, England.

Umiskor si Casimero ng third round technical knockout win laban kay Zolani Tete ng South Africa noong Linggo sa Arena Birmingham sa England.

Itinigil ng referee ang laban sa 2:14 minuto sa third round at idineklarang bagong world champion si Casimero. Napahanay siya sa listahan ng mga Pinoy na nagwagi ng world title sa tatlong weight division: IBF World Light Flyweight, IBF World Flyweight, at WBO Bantamweight.

“Masayang-masaya kami sa GAB at madadagdagan na naman ang ating boxing heroe’s. Mayroon na tayong apat na boksingero na nag-champion sa tatlong magkakaibang weight classes—si Senator Manny Pacquiao, Donnie Nietes, Nonito Donaire at ang ating bagong kampeon na si John Riel Casimero. Talaga namang maituturing na isang positibong balita ang panalo ni John Riel para sa mga atletang Filipino na lumalahok sa SEA Games ngayon dahil ang pagkapanalo niya (Casimero) ay isang testament na kaya ng isang Pinoy na manalo sa isang professional world title match. Higit sa lahat, isa itong patunay na hindi humihina ang boksing sa Pilipinas,“ wika ni Mitra.

Nagpasalamat naman si Casimero sa ibinigay na suporta at pagkalinga ng GAB sa mga Pinoy fighters.

 Nakikipag-usap na ang kampo ni Casimero para sa posibleng ‘unification fight’ kay Naoya ‘Monster’ Inoue ng Japan.

vuukle comment

JOHN RIEL CASIMERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with