^

PSN Palaro

Mainit na debut misyon ng Pinoy kickboxers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mainit na debut misyon ng Pinoy kickboxers
Nagbigay ng inspirational message si Samahang Kickboxing ng Pilipinas president Sen. Francis Tolentino sa mga Pinoy fighters bago sumalang sa 2019 Southeast Asian Games kickboxing competitions na hahataw ngayong umaga sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Chris Co

MANILA, Philippines — Handa nang humakot ng gintong medalya ang national kickboxing team sa 2019 Southeast Asian Games kickboxing competitions na lalarga ngayong umaga sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Aarangkada ang aksiyon sa alas-9 ng umaga.

Ipaparada ng Team Philippines sina Ruel Catalan (57 kg), Karol Maguide (51 kg), Jerry Olsim (69 kg), Rex De Lara (60 kg), full contact, low kick at kick light bet Jomar Balaguid (54 kg), Jean Claude Saclag (63 kg), Renz Daquel (48 kg) at Gina Iniong (55 kg).

Tiwala si Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) president  Sen. Francis Tolentino sa magiging laban ng kanyang bataan na binubuo ng mga beteranong atleta.

“Hindi mawawala ‘yung pressure, this is the first time that kickboxing will be played in the SEA Games. Debut ng ating mga atleta at sa harap ng ating mga kababayan, sabi ko nga buti pa nauna na kaming lumaban at least nakaraos na kami,” ani Tolentino.

Kabilang sina two-time Olympian Donald Geisler at Team Lakay coach Mark Sangiao sa mga nagsasanay sa Pinoy fighters.

“Our athletes were trained hard for this. Mahirap mag-predict kung ilang gold tayo, pero malaking bagay kung nakalaro si Rene Catalan, sure gold sa atin yun,” dagdag ni Tolentino.

Paglalabanan ang walong gintong medalya sa kickboxing.

Pinangalanan ni Tolentino ang Vietnam at Thailand sa pinakamatidning karibal ng Pinoy fighters.

“Malakas nating kalaban ang Vietnam at Thailand, lalo’t mga Thai ang nagsimula nitong martial arts discipline. But we prepared long enough kaya masosorpresa kayo sa laban ng ating mga atleta,” ani Tolentino na isa ring martial arts practitioner sa Yaw-Yan.

vuukle comment

KICKBOXING COMPETITIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with