^

PSN Palaro

2 pang ginto sa Philippine obstacle team

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
2 pang ginto sa Philippine obstacle team
Ang Phl obstacle team na kumopo ng anim na ginto sa 30th SEA Games.

MANILA, Philippines — Dalawa pang gintong medalya ang idinagdag ng national obstacle course racing team sa kaban ng Team Philippines upang matikas na walisin ang lahat ng anim na gintong nakataya sa 2019 Southeast Asian Games obstacle course racing kahapon sa Filinvest City sa Muntinlupa.

Nasungkit ng Pinoy bets ang 1-2 finish sa men’s individual 5K x 20 obstacles kung saan pinagharian ni dating national athle­tics team member Mervin Guarte ang naturang event.

Tinapos ni Guarte ang karera sa bilis na 25 minuto at 31 segundo para masungkit ang unang puwesto.

Nasiguro naman ni Moham­mad Sherwin Ma­nagil ang pilak na medalya para sa Pilipinas matapos magtala ng 26:26 habang nakatanso si Mohd Pittli Mohd Saddan ng Malaysia na may 28:02.

Ganito rin ang ginawa ng host team sa women’s individual 5K x 20 obstacles.

Pinagreynahan ito ni Sandi Menchi Abahan sa pamamagitan ng impresibong 33:30 habang pumangalawa ang katropa nitong si Glorien Merisco na nagsumite naman ng 40 minuto.

Ibinulsa ni Sorvimane Khamla ng Laos ang tanso hawak ang 55:27 oras.

Nauna nang humirit ng apat na ginto ang national squad.

Nanguna sina Kevin Jeffrey Pascua sa men’s individual 100M x 10 at Rochelle Suarez sa women’s division.

Maliban sa individual events, nakaginto rin ang Pinoy squad sa mixed team assist 400m x 12. 

 

vuukle comment

NATIONAL OBSTACLE COURSE RACING TEAM

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with