^

PSN Palaro

Yulo 3 silver ang nakayanan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo 3 silver ang nakayanan
3 silver ang naiambag ni Carlos Edriel Yulo sa kampanya ng Pilipinas sa gymnastics competiiton ng 30th SEA Games.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines —  Matapos ang magarbng simula, nagkasya sa tatlong pilak na medalya si world champion Carlos Edriel Yulo sa huling araw ng 2019 Southeast Asian Games men’s artistic gymnastics kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Pumangalawa lamang si Yulo sa vault bunsod ng ibinigay sa kanyang 14.700 puntos habang nanguna si Prayoko Agus ng Indonesia – ang pinakahuling performer sa grupo na nagtala ng 14.734 puntos.

Pumangatlo lamang si Vietnamese Thanh Tung Le na umiskor ng 14.617 puntos.

Muling nagkasya sa pilak si Yulo sa parallel bars nang makakuha ito ng 14.600 puntos laban sa 14.800 puntos na itinala ni reigning champion Dinh Phuong Thanh ng Vietnam na siyang nakakuha ng ginto.

Nasa ikatlo ulit si Thanh Tung Le na may 14.233 puntos.

Sa horizontal bars, sumegunda rin si Yulo bunsod ng 13.667 puntos nito.

Muling nangibabaw si Dinh Puong Thanh na may 13.767 puntos habang pumangatlo si Xong Sean Yeo ng Singapore na may 13.567.

Sa kabuuan, nakalikom si Yulo ng dalawang ginto at limang pilak na medalya.

Nauna nang nakaginto si Yulo sa individual all-around at floor exercise habang nakapilak din ito sa pommel horse at still rings.

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with