Dagdag ni Cuatro, tuluyan na itong ire-reschedule kung hindi matatapos ang mga pag-ulan pagdating ng alas-dose ng tanghali.
ESPN5/Lyka Mea
'Unplayable': Tennis match sa SEA Games ipinagpaliban muna dahil sa Typhoon Tisoy
(Philstar.com) - December 3, 2019 - 10:25am

MANILA, Philippines — Ipinagpaliban muna ang ilang laro ngayong umaga para sa ika-30 Southeast Asian Games ngayong Martes dahil sa ilang pag-ulan dulot ng bagyong "Tisoy."

Dahil sa sungit ng panahon, hindi muna itinuloy ang tennis games ngayong alas-nuebe ng umaga sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ayon sa DZMM, sinusubukang ayusin ang training court na pinag-eensayuhan ng mga atleta sa Tennis Center para matuloy ang salpukan ng mga kalahok sa SEA Games.

Tiniyak naman ni competition manager Chris Cuatro na pareho lang ang kaledad ng pinagpra-praktisan ng mga atleta sa nabasang court.

Pero bagama't indoor ang pamalit na court, bahagyang basa rin daw ang gilid.

Kung iuusog ang schedule ng mga laro, sinasabing ganoon pa rin daw ang magiging pagkakasunud-sunod.

Dagdag ni Cuatro, tuluyan na itong ire-reschedule kung hindi matatapos ang mga pag-ulan pagdating ng alas-dose ng tanghali.

Kasalukuyang rumaragasa ang bagyo sa maraming bahagi ng bansa, dahilan para itaas ang signal no. 3 sa ilang lugar.

Signal no. 2 sa ngayon ang Metro Manila kung saan naroon ang Rizal Memorial Sports Complex. 

Suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa Kamaynilaan ngayong araw dahil sa bagyo maliban sa Makati, kung saan hanggang senior highschool lang ang walang pasok. — James Relativo at may mga ulat mula sa ESPN5

SOUTHEAST ASIAN GAMES SPORTS TENNIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with