Batang Pier sumabit sa semis
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2019 - 12:00am

Tila hindi matapus-tapos ang bakbakan.

Ngunit sa huli ay inangkin ng No. 8 NorthPort ang ikaapat at huling tiket sa semifinal round matapos i­ligpit ang No. 1 NLEX sa triple overtime, 126-123, sa kanilang ‘do-or-die’ quarterfinals game sa 2019 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang tinalo ng Batang Pier ang Road Warriors, nagdala ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals, 115-90, para itakda ang kanilang ‘sudden death’ match.

Magsisimula ang best-of-five semifinals series ng Batang Pier at Gin Kings sa Disyembre 14 sa Big Dome.

Nagtayo ang NLEX ng 16-point lead, 54-38, sa hu-ling 50 segundo ng second period bago nakatabla ang NorthPort sa 99-99 sa hu­ling 7.4 segundo patungo sa extra period.

Matapos ang magkasunod na basket ni import Manny Harris para sa 103-99 abante ng Road Warriors ay inagaw ng Batang Pier ang 108-106 bentahe sa huling 16 segundo.

Ang dalawang free throws ni Jericho Cruz sa nalalabing walong segundo ang nagdala sa Road Warriors sa ikalawang overtime, 108-108.

Itinabla naman ni Philip Paniamogan ang NLEX sa NorthPort sa 116-116 mula sa kanyang triple sa huling 4.6 segundo papunta sa pangatlong extension.

Huling napasakamay ng Road Warriors ang 123-122 abante mula sa drive ni Kiefer Ravena sa nala­labing 21 segundo kasunod ang layup ni Sean Anthony at dalawang charities ni Christian Standhardinger para sa 126-123 kalamangan ng Batang Pier sa huling 1.8 segundo.

BATANG PIER GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with