Ruru Jie darating sa LGD International Launch
(Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumating sa bansa si world renowned DOTA 2 player Pan ‘Ruru’ Jie upang personal na saksihan ang paglulunsad ng esports tie up sa pagitan ng Pilipinas at iba pang Southeast Asian region.

Pormal nang ilulunsad ang LGD International Launch Party: A Collab of LGD and Esportsplay Gaming ngayong araw sa Conrad Hotel kung saan magsisimula ang programa sa ala-una ng hapon.

Ang LGD ang isa sa pinakamalakas na international DOTA2 team sa mundo at isa sa pinakamatandang esports organization sa China. Naki-pagsanib-puwersa rito ang Esportsplay Gaming – ang bagong Philippine squad sa esports – para maging Southeast Asia-based team ang LGD International.

Nagtutulong ang dalawang grupo para mag-train, coach, manage at scout ng mahuhusay na manlalaro mula sa Pilipinas at iba pang SEA countries na lalaban sa The International (T.I.) na pinakamala­king DOTA 2 tournament.

Itinuturing ang Pilipinas na may pinakamalaking bilang ng DOTA 2 players. Kaya naman, bibigyan ng tsansa ng LGD ang anim na fans na makalaro ang ilang mahuhusay na manlalaro nito kabilang na si RuRu.

SOUTHEAST ASIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with