William ‘Butch’ Ramirez
274 golds kayang kunin ng Team Philippines sa SEA Games
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t umabot sa 274 ang gold medal projection ng 56 sports associations para makuha ang overall championship ng darating na 30th Southeast Asian Games ay hindi ito imposibleng mangyari.

Ito ang matibay na paniniwala mismo ni Philippine Sports Commission chairman at Chef De Mission William ‘Butch’ Ramirez.

 “Forty-five of the 56 sports associations project a haul of 274 gold medals. Tinignan ko ang forecast nila, and it’s not impossible,” pahayag ni Ramirez. “Noong nakita ko ‘yung projection nila, possible talaga.”

“In my own discerning, it’s No. 1 or No. 2. But to be con­servative, I would make it top three (finish),” dagdag pa ng PSC chief.

Sinabi ni Ramirez na sapat na ang inilabas ng PSC na P1 bilyon para sa mga foreign training at ex­posure ng mga national athletes bilang paghahanda sa 2019 SEA Games.

Sasabak ang 1,085 atleta (640 lalaki at 445 babae) sa 530 events ng 11-national biennial event.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na pamamahalaan ng Pilipinas ang SEA Games matapos noong 1981, 1991 at 2005.

“Host tayo, so malaki ang chance natin to win. We have the foreign training, our athletes are not neophytes, and the signs of the past months are very good,” sabi ni pa Ramirez,

Noong 2005 Manila SEA Games ay kumolekta ang 892 Filipino athletes ng kabuuang 112 gold sa 444 events para tanghaling overall champion.

Naniniwala rin si Ramirez na may ‘domino effect’ sa mga miyembro ng Team Philippines ang tagumpay nina gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at lady boxer Nesthy Petecio sa world stage.

Samantala, pinal na ang desisyon ni Ramirez sa pag­hirang kay Yulo bilang torch bearer sa opening ceremony ng 2019 SEA Games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Magiging flag bearer naman sina Obiena (pole vault), Petecio (boxing), Margielyn Didal (skateboarding), Kiyomi Watanabe (judo), Eumir Marcial (boxing) at Maggie Ochoa (jiu-jitsu).

Nauna nang ikinunsidera ni Ramirez na maging isa sa mga flag bearers si 2016 Olympic Games silver me­dalist Hidilyn Diaz ng weightlifting.

SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with