Giannis Antetokounmpo
AFP
Giannis tumipa ng triple-double
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2019 - 12:00am

MILWAUKEE -- Hindi na bago ang pagtatala ng triple-doubles para kay Giannis Antetokounmpo.

Ngunit nagulat siya sa kanyang itinala sa 137-129 panalo ng Bucks kontra sa Portland Trail Blazers.

Kumolekta si Anteto­kounmpo ng 24 points, 19 re­bounds at career-best na 15 assists na pumukaw ng atensyon ni Milwaukee coach Mike Budenholzer.

“I thought tonight was one of his best nights of just seeing the floor and really being a playmaker with 15 assists [and] in a lot of different ways he got the assists,” wika ni Budenholzer kay Antetokounmpo.

Nag-ambag si guard Eric Bledsoe ng 30 points at 6 assists sa highest-scoring game ng Bucks ngayong season.

Matapos namang mag­lista ng 10 points mula sa 4-of-14 shooting sa kanyang season debut laban sa New Orleans Pelicans ka­makalawa ay nagtala si Carmelo Anthony ng 18 points para sa Blazers.

Sa Phoenix, tumipa si Brandon Ingram ng 15 sa kanyang 28 points sa fourth quarter, habang nag­dagdag si JJ Redick ng 26 markers para akayin ang Pelicans sa 124-121 pagdaig sa Suns.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with