Tan, Tabora may tsansa pa sa 2019 World Cup
(Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nalampasan nina Philippine bets Merwin Tan at Krizziah Tabora ang 24-game qualifying series para manatili sa kontensyon ng 2019 Bowling World Cup men’s and ladies’ internatio­nal finals sa Palembang, In­donesia.

Nagsumite si Tan ng 1214 sa six games para upuan ang No. 21 seat sa men’s division bitbit ang 24-game total na 4791 pinfalls.

Umiskor naman si Ta­bo­ra, ang world champion no­ong 2017 sa Hermosillo, Me­xico, ng 1041 sa six games para sa 24-game ag­gregate na 4560 at pu­muwesto sa No. 19 spot sa la­dies’ event.

Nagpagulong si Tan ng 236, 202, 179, 167, 246 at 184 sa ikaapat niyang six-game series, ha­bang may 177, 192, 168, 166, 177 at 161 si Tabora.

Ang 24 men at 24 lady qualifiers ay muling sasabak sa eight games na may bonus points na magdedetermina sa apat na male at apat na female performers na papasok sa stage 4.

2019 WORLD CUP KRIZZIAH TABORA MERWIN TAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with