It’s all about the attitude
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2019 - 12:00am

Ang salitang “attitude” ay tumutukoy sa kalaga­yan ng pag-iisip at pagkilos bunga ng damdaming naghahari sa isang tao, sa takdang oras o panahon.

Ang attitude ay maaa­ring positibo o negatibo.

Bakit ito ang paksa ko? Dahil ang salitang at­titude ay napakamahala­ga para sa mga atletang katulad namin.

Sa araw-araw na gina­wa ng Diyos, iba-iba ang la­ban ng mga tao.

Kaming mga atleta hin­di lang laban sa mahi­rap na ensayo, sakit at pa­god na katawan, at mga la­ro ang hinaharap namin, may mga personal din ka­ming laban sa buhay pero kinakaya dahil ang matra namin ay “It’s all about the attitude”.

Noong nakaraang Linggo, nag-team building ka­mi. Sa dalawang araw na iyon mas higit naming na­kilala ang isa’t isa dahil sa malalalim na obhektibo ng activities at pagbabaha­gi ng kuwentong buhay na isinagawa namin.

Iba’t ibang kuwento ng hirap at sarap, pagkadapa at muling pagkabangon, sakit at kilig, lungkot at saya ang ibinahagi.

Halimbawa, kung ako ay mula sa broken family at maaga pa lang ay naging bread winner at independent na, akala ko ako lang iyong ganoon.

Hindi pala ako nag-iisa. Ha­los lahat pala kami ay ku­­mayod upang maitawid ang pamilya sa hirap.

Halos lahat kami nag­tra­baho nang todo sa pag­lalaro ng volleyball at ginamit ito upang ma­ka­pagtapos ng libre sa pag-aaral. Halos lahat pala kami may mga kapamilyang may karamdaman na ma­aaring makapagpahina sa amin dahil mga mahal na­min sa buhay ay nahihirapan, ngunit it’s all about the attitude.

Mas pinipili namin magpakatatag para sa kanila, pinipili naming tibayan ang mga sarili kasi kung bibigay kami ay paano na lang sila?

Gayunpaman ay na­ka­kamangha rin iyong ku­wento ni Jovelyn Gonza­ga dahil sa kabila ng injury sa tuhod na ACL at kahit na kakagaling niya lang sa rehab last year, nailaban niyang maglaro sa dalawang propesyunal na ligang PSL at PVL.

Bagama’t nakakapagod ang araw-araw na la­ro at ensayo, para sa kan­­ya it’s all about the at­titude.

Nasa isip lang ang hi­rap, nasa tao kung papa­ano siya magre-react sa mahirap na sitwasyon.

Mas pinipiling pai­ralin ang positibong atid­yud sa kabila ng mahihi­rap na pag­kakataon.

Ganito ang mantra na­min sa Women’s Volley­ball Team.

Kahit mahirap, kahit na­­­­kakapagod, attitude lang katapat niyan. Atti­tude lang.

ATTITUDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with