Dinakdakan ni forward Kawhi Leonard ng Clippers si Celtics center Daniel Theis.
Clippers wagi sa Celtics sa overtime
(Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

LOS ANGELES -- Humataw si guard Lou Williams ng 27 points, habang may pinagsamang 42 markers sina Kawhi Leo­nard at Paul George para tulungan ang Clippers na takasan ang Boston Cel­tics, 107-104, sa overtime.

Ito ang unang pagkaka­taon na nagkasabay maglaro sina Leonard at George.

Umiskor si George ng 25 points para sa Los Ange­les at may 17 markers si Leo­nard na sumupalpal sa panablang three-point shot ni Boston guard Kemba Walker.

Itinaas ng Clippers ang kanilang record sa 9-1 sa kanilang balwarte kontra sa Celtics.

Nakabangon ang Los Angeles mula sa 10-point deficit sa fourth period patungo sa extra period.

Sa overtime ay nagsalpak sina George at Patrick Beverley ng magkasunod na 3-pointer para kunin ang 104-99 abante laban sa Boston.

Nakadikit naman ang Celtics sa 102-104 mula sa basket ni Jayson Tatum.

Muling tumipa si Be­ver­ley ng triple sa harap ng Clippers bench para iposte ang 107-102.

Binanderahan ni Tatum ang Boston mula sa kanyang 30 points kasunod ang tig-14 markers nina Marcus Smart at Brad Wanamaker.

Sa Denver, humakot si center Nikola Jokic ng 27 points at 12 rebounds para pamunuan ang Denver sa 105-95 paggupo sa Houston Rockets.

Tinapos ng Nuggets ang eight-game winning streak ng Rockets.

Nagtala si James Har­den ng 27 points matapos kumamada ng magkaka­su­nod na higit sa 36 mar­kers sa mga nakaraang pa­nalo ng Houston.

Sa Atlanta, kumolekta si Giannis Antetokounmpo ng 33 points at 11 rebounds at may 28 markers si Eric Bledsoe para ihatid ang Milwaukee Bucks sa 135-127 paggiba sa Hawks.

Ito ang pang-limang sunod na ratsada ng Bucks, naipanalo ang siyam sa kanilang huling 10 laban.

Pinangunahan ni rookie forward De’Andre Hunter ang Atlanta mula sa kanyang career-high 27 points.

Sa Dallas, iniskor ni Lu­ka Doncic ang 33 sa kanyang 35 points sa first half para ihatid ang Mave­ricks sa 142-94 paggupo sa Golden State Warriors.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with