SMBeer sasagupa sa Gin Kings sa quarters
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para mapalakas ang ka­nilang tsansang mako­po ang pambihirang PBA Grand Slam ay kaila­ngan munang talunin ng San Miguel ang Barangay Ginebra sa quarterfinals ng 2019 PBA Governor’s Cup.

Ngunit hindi ito mada­ling gawin.

May bitbit na ‘twice-to-beat’ advantage ang Gin Kings bilang No. 4 team laban sa No. 5 Beermen.

Nahulog ang San Miguel sa nasabing puwesto ma­tapos makalasap ng 109-114 kabiguan sa TNT Katropa noong Miyerkules.

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa No. 8, 7, 6 at 5 squads, ayon sa pagkakasunod.

Lalabanan ng San Mi­guel ang Ginebra sa quarterfinals na wala sina Arwind Santos, Kelly Nabong at Ronald Tubid, pinatawan ng SMC management ng indefinite suspension dahil sa gulong nangyari sa ka­ni­lang ensayo sangkot si import Dez Wells.

Pinauwi na si Wells at si John Holland ang mu­ling nagsuot ng uniporme ng Beermen sa ikalawang su­nod na pagkakataon sa kanilang pagkatalo sa Tropang Texters.

Haharapin naman ng No. 1 NLEX ang No. 8 NorthPort, habang maka­ka­­sagupa ng No. 2 Meralco ang No. 7 Alaska.

Makakatapat ng No. 3 TNT Katropa ang No. 6 Mag­nolia, ang nagdede­pen­sa sa titulo ng season-ending conference.

BARANGAY GINEBRA PBA SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with