Nagbigay ng inspirational message si Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) president Sen. Juan Miguel Zubiri sa mga atletang sasabak sa 2019 Southeast Asian Games na pormal na magsisimula sa Nobyembre 30.
Chris Co
Philippine arnis team target dominahin ang SEAG
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2019 - 12:00am

MANILA , Philippines — Tumataginting na 11 hanggang 12 gintong medalya ang puntirya ng national arnis team sa pagsabak nito sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang venues.

Tiwala si Philippine Eskrima Kali Arnis Fe­deration (PEKAF) president Sen. Juan Miguel Zubiri na ka­yang kaya ng Pinoy arnisador na dominahin ang naturang event dahil ilang taon ding naghanda ang tropa para sa biennial meet.

“We are looking at 11 to 12 golds. I’m trying to be conservative but if we win more than that, we’ ll be more happy,” pahayag ni Zubiri na minsan na ring naging national arnis champion noong dekada 90.

Lalarga sa unang araw ng kumpetisyon sa Dis­yembre 1 ang walong events – apat sa men at apat sa women – sa livestock. Papalo naman sa ikalawang araw ang paddle stick kung saan walong events na naman ang pag­lalabanan – apat sa men at apat sa women.

Sa ikatlong araw ng bakbakan, nakataya naman ang ginto sa anio kung saan dalawa sa men at dalawa sa women’s division ang aarangkada.

“I guarantee you at the very least we will be able to dominate most of the golds in the sport. Marami din magagaling. I don’t want to discount the possibility of Vietnam winning a number of gold medals and they’ve been training for this event and a number of golds from Myanmar and Cambodia,” ani Zubiri.

JUAN MIGUEL ZUBIRI PHILIPPINE ESKRIMA KALI ARNIS FE­DERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with