Doncic bumida sa Mavs vs Spurs
(Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

DALLAS -- Nagpasabog si guard Luka Doncic ng career-high 42 points sa kanyang ikaanim na triple-double para tulungan ang Mavericks na talunin ang San Antonio Spurs.

Ipinalasap ng Dallas ang ikaanim na sunod na kamalasan ng San Antonio.

Nagdagdag ang 20-anyos na second-year player na si Doncic, nangunguna sa NBA sa triple-doubles, ng 11 rebounds at 12 assists.

Ang kanyang 3-pointer sa huling 26.5 segundo ng fourth quarter ang nagbigay sa Mavericks ng 115-110 bentahe.

Sumama si Doncic kay LeBron James ng Los A­ngeles Lakers bilang tanging mga players sa NBA history na may edad na 20-anyos na nagposte ng 40-point triple-double.

Nag-ambag si Dorian Finney-Smith ng career-best 22 points at naglista si Kristaps Porzingis ng 18 points at 10 rebounds para sa Dallas.

Sa Los Angeles, isinalpak ni Paul George ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 25 segundo para iligtas ang Clippers kontra sa Oklahoma City Thunder, 90-88.

Nakatabla ang Oklahoma City sa 86-86 mula sa 3-pointer ni Danilo Gallinari bago nagsalpak si Chris Paul ng dalawang free throws para sa kanilang 88-86 abante.

Ang triple at free throw naman ni George ang sumelyo sa panalo ng Los Angeles.

Sa Chicago, kumamada si Giannis Anteto­kounmpo ng 33 points at 10 rebounds at inakay ang Milwaukee Bucks sa 115-101 pagdaig sa Bulls.

LEBRON JAMES LUKA DONCIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with