Tabora mainit agad ang simula
(Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humataw ang Filipina kegler na si  Krizziah Ta­bora ng six-game series na 1194 pinfalls para pumasok sa ika-sampung puwesto sa pagbubukas ng 2019 Bowling World Cup International finals noong Lunes sa Palembang, Indonesia.

Si Tabora,  kampeon sa naturang kumpetisyon sa ladies division noong 2017 sa Hermosillo, Mexico, ay umukit ng 199, 203, 211, 181, 208 at 192 para sa averaged na 100 pinfalls sa unang araw ng kumpe­tisyon.

Sa men’s division naman, pumalo ang 20-an­yos na si Merwin Tan sa ika-23rd puwesto matapos ang kanyang 1198 sa anim na laro. Umani si Tan ng 183, 225, 210, 200, 191 at 189.

Inaasahang babawi pa si Tan sa mga susunod na laro dahil malakas ang kanyang tiwala makaraang  tumapos bilang 11th sa kumpetisyon na ginanap sa Sam’s Town, Las Vegas, Nevada noong nakaraang taon.

Dinomina ni Francis Louw ng South Africa ang unang araw ng men’s division sa kanyang 1345 habang si Natasha Roslan ng Malaysia naman ang nagunguna sa ladies’ division sa 1306.

KRIZZIAH TA­BORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with