Pinay gymnasts kumana ng 2 ginto
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagningning ang national women’s rhythmic gymnastics team matapos kumana ng dalawang gintong medalya sa Liptov Cup 2019 na ginanap sa Liptovsky, Slovakia.

Nagpasiklab na naman si Butuan gymnast Breanna Labadan nang kunin nito ang gintong medalya sa junior individual all-around category.

Ito ang ikatlong gintong medalya ng 13-anyos na si ni Labadan sa European tournament matapos pagreynahan ang parehong dibisyon sa Hungary at Denmark.

Hindi rin nagpakabog si Cebu pride Daniela Reggie dela Pisa na namayagpag naman sa senior individual all-around title.

Nakahirit din ng gintong medalya si dela Pisa sa Denmark ngunit pumanlima lamang ito sa Hungary.

Magandang produksiyon nito para kay dela Pisa na sasabak sa 2019 Southeast Asian Games gymnastics competitions.

Target ni dela Pisa na makasungkit ng gintong medalya sa SEA Games na magsisimula sa Disyembre 1 at matatapos sa Disyembre 9 sa Rizal Memorial Coliseum.

Makakasama ni dela Pisa sa kampanya ang national team na babanderahan ni world champion Carlos Edriel Yulo.

BREANNA LABADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with