‘Di na pakakawalan ng Ateneo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng two-peat champion Ateneo ang makasaysa­yang 16-game sweep sa pagharap kontra sa University of Santo Tomas ngayon sa Game 2 ng best-of-three Finals series sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang 1-0 bentahe sa serye, kailangan na lamang ng isang panalo ng Blue Eagles upang makamit ang pang-11 titulo sa kanilang engkuwentro ng  Growling Tigers sa alas-4 ng hapon.

Paborito rin ang undefeated at six-peat champion National University Lady Bulldogs kontra sa University of Santo Tomas Golden Tigresses sa Game 1 ng kanilang best-of-three Finals series sa alas-12 ng tanghali.

“We’re not prepared to say that it has won us anything yet because all it’s done is get us to the next game. Even though we have a deep bench, even though we have confidence up and down the bench,” sabi ni Ateneo head coach Tab Baldwin.

Sa kabila ng kanilang ma­habang 17-araw na pahinga matapos walisin ang double-round elimination,  walang bakas ng kalawang sa laro ng Blue Eagles sa kanilang  91-77 panalo sa Game 1 noong Sabado kung saan umani si Thirdy Ravena ng 32 puntos sa 14-of-18 shooting sa field goal.

Kaya inaasahan na sasakay ang tropa ni coach Baldwin sa momentum sa Game 2.

Ngunit, inamin din ni Baldwin na mahirap na kalaban ang Growling Tigers dahil sa kanilang shooting at bilis.

“As it turned out when you play against UST, your fitness is gonna be challenged that’s for sure.  We might surprise a lot of people. We did a lot of running, a lot of sprints,” dagdag ni Baldwin.

Hangad ng Blue Eagles ang kanilang ika-11 titulo habang ang UST naman ay tabla sa UE Red Warriors sa parehong 18 korona sa likuran ng 20 ng FEU Tamaraws sa UAAP.

SEASON 82 UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with