^

PSN Palaro

James pasikat sa harapan ni Bryant

Pilipino Star Ngayon
James pasikat sa harapan ni Bryant
LeBron James
Sean M. Haffey/Getty Images/AFP

Hawks giniba

LOS ANGELES – Hindi sinayang ni LeBron James ang panonood ni NBA legend Kobe Bryant.

Humugot si James ng 12 sa kanyang 33 points sa unang siyam na minutong pananalasa ng Lakers patungo sa 122-101 paglampaso sa Atlanta Hawks sa Staples Center.

Pinanood ni Bryant mula sa courtside ang pagtatayo ng dati niyang tropa sa 34-9 kalamangan kontra sa Hawks.

Ito ang pang-11 panalo ng Lakers sa kanilang 12 laro.

Nagdagdag si Kyle Kuzma ng 17 points habang may 15, 14, 13 at tig-11 markers sina Rajon Rondo, Anthony Davis, Kentavious Caldwell-Pope,  Danny  Green at Alex Caruso, ayon sa pagkakasunod.

Nalasap naman ng Atlanta ang ikalawang sunod nilang pinakamasamang kabiguan matapos matalo sa LA Clippers, 101-150 kamakalawa.

Sa New Orleans, tumipa si J.J. Redick ng 26 points para pamunuan ang Pelicans sa 108-100 paggupo sa Golden State Warriors.

Nagtala si Jrue Holiday ng 22 points, 9 assists at 8 rebounds para sa New Orleans habang kumolekta si Jaxson Hayes ng 10 points, 10 rebounds at 3 blocks.

Binanderahan ni Eric Paschall ang Golden State, nalasap ang pang-pito nilang dikit na kamalasan, sa kanyang 30 points.

Sa Sacramento, nagpasabog si Buddy Hield ng season-high 35 points habang kumonekta si Richaun Holmes ng dalawang free throws sa huling 13.3 segundo para igiya ang Kings sa 100-99 paglusot laban sa Boston Celtics.

Tinapos ng Sacramento ang 10-game winning streak ng Boston.

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with