Squash lalaruin sa Manila Polo Club
MANILA, Philippines — Lalaruin ang squash competitions ng 2019 Southeast Asian Games sa Manila Polo Club sa Makati City – ang itinuturing na bagong tahanan ng mga Pinoy athletes sa naturang sport.
Maganda sana kung sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila laruin ang squash ngunit hindi pa ito tapos kaya’t nagpasyang sa Manila Polo Club na lang idaos ang mga laro.
Dahil sa pagpapalit ng venue, dalawang events ang nakansela – ang jumbo doubles at mixed doubles na malakas sana ang pag-asa ng Pilipinas na makaginto. Limang events ang natira – ang men’s singles, women’s singles, men’s team, women’s team at mixed team event.
Sa kabila nito, optimistiko pa rin ang squash team na makapag-aambag ito ng medalya sa SEA Games particular na sa men’s singles.
Maliban kay Jemyca Aribado, sasalang din sina Robert Garcia, Reymark Begornia, Alyssa Dalida, David Peliño, Christopher Buraga at Jimmie Avila.
- Latest