^

PSN Palaro

Game plan inihahanda na ng Team Ancajas vs Gonzalez

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Binabalangkas na ang game plan para sa pagdepensa ni Jerwin Ancajas ng International Boxing Fe­deration (IBF) super flyweight kontra kay Miguel Gonzalez ng Chile sa Dis­yembre 7 (Disyembre 8 sa Maynila) sa Auditorio GNP Seguros sa Puebla, Mexico.

Walang masyadong ningning ang pangalan ni Gonzalez kung saan mayroon itong 31-1-2 baraha tampok ang walong knockouts.

Galing si Gonzalez sa technical knockout win kay Himson Garcia noong Oktubre 12 para makuha ang World Boxing Association (WBA) fedelatin super flyweight title.

Subalit lumasap ito ng knockout loss noon lamang Marso laban kay Andrew Moloney sa labang ginanap sa Gran Arena Moticello sa Chile.

Gayunpaman, walang puwang kay Ancajas ang maging kampante. Handa ito na ibuhos ang lahat para maipagtanggol ang kanyang titulo.

Gigil na gigil nang su-mabak si Ancajas matapos makansela ang kanyang laban kay Mexican Jonathan Javier Rodriguez noong Nobyembre 2 dahil sa problema sa visa.

Hindi naman nabakante si Ancajas dahil nanatili ito sa Amerika at tuluy-tuloy lang ang ensayo nito kasama si chief trainer Joven Jimenez.

“Handa na akong i-defend yung title ko sa harap ng mga Mexican fans. Hindi naman ako huminto sa training, nag-stay ako sa Amerika para ipagpatuloy yung preparations ko,” ani Ancajas.

Selyado na ang paghaharap nina Ancajas at Gonzalez ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum na magsisilbing under card sa main event nina World Boxing Organization super bantamweight champion Emanuel Navarrete at Francisco Horta.

Bagong pangalan si Gonzalez para sa kampo ni Ancajas.

Kaya naman pag-aaralan pa ng coaching staff ang galaw ni Gonzalez upang maihanda ang solidong game plan para rito.

Isa na rito ang pa­no­no­od sa mga nakalipas na laban ng Chilean boxer.

vuukle comment

TEAM ANCAJAS

TEAM GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with