Kinuyog nina Thirdy Rave­na at Pat Maagdenberg ng Ateneo si Soulemane Chabi Yo ng UST.
Ernie Peñaredondo
Ateneo amoy na ang kampeonato
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinakita ng nagdede­pen­sang Ateneo De Manila University ang kanilang bag­sik patungo sa 91-77 panalo kontra sa University of Santo Tomas sa Game One ng best-of-three Finals series ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament ka­ha­pon sa Smart Ara­neta Co­liseum.

Nagtala si Thirdy Rave­na ng 32 points mula sa 14-of-18 fieldgoal shooting at nagtala si Ange Kouame ng 16 markers at 12 rebounds para sa Blue Eagles.

Nag-ambag naman ng 12 points si SJ Belangel para sa 15-game winning streak ng Ateneo sa season at ihak­bang ang isang paa pa­ra sa titulo.

“There is a lot of work to on. Tonight we shoot well, our energy for offense is good but not in defense. We know UST will not back down. We know, it’s going to be more tough on Wednesday,” sabi ni Ate­neo coach Tab Baldwin.

Asam ng Blue Eagles na tapusin na ang serye para masungkit ang ka­­ni­lang ika-11 korona at ‘three-peat’ sa muling pagharap sa Growling Tigers sa Game Two sa Miyerkules sa MOA Arena sa Pasay City.

Kahit man sa mahabang 17 araw na pahinga habang naghihintay pa ng kalaban ay mas lalong na­ging agresibo ang Ate­neo sa umpisa pa lamang ng laro kaya lumamang ka­agad sila sa 18-2.

Lomobo pa sa 36-17 ang kanilang pagbaon sa UST mula sa layup ni Ra­ve­na sa 7:50 minuto sa ika­lawang yugto.

Ngunit nagpaulan si Mark Nonoy ng dalawang sunod na triples sa 21-5 rally ng Growling Tigers para ibaba ang agwat sa 38-41 bago ang halftime.

Ngunit muling kuma­ma­da sina Ravena, Koua­me at Will Navarro ng 13-1 run upang ibalik ang bentahe ng Blue Eagles sa 54-39 sa first half.

Umabot sa malaking 21 puntos ang kalamangan ng Blue Eagles, 64-43, sa kalagitnaan ng ikatlong yugto.

Samantala, sa wo­men’s division, umiskor si Grace Irebu ng 28 points para ihatid ang UST Gol­den Tigresses sa 76-65 panalo kontra sa FEU Lady Ta­maraws papasok sa Fi­nals matapos ang mahigit 13 taon.

Humakot din si Ire­bu ng 14 rebounds at 3 blocks para sa Golden Tigresses na sasagupa sa ‘six-peat’ champions na National Uni­versity Lady Bulldogs  sa Finals.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with