Ngunit nakalimutan niya ang kinamadang ikalawang sunod na 44-point performance ni Bradley Beal sa 137-116 pagdurog ng Wizards sa Minnesota Timberwolves.
AFP
Wizards giniba ang Wolves; Lakers nakalusot sa Kings
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MINNEAPOLIS -- Pinuri ni Washington Wizards head coach Scott Brooks ang magandang inilaro ni reserve Moritz Wagner.

Ngunit nakalimutan niya ang kinamadang ikalawang sunod na 44-point performance ni Bradley Beal sa 137-116 pagdurog ng Wizards sa Minnesota Timberwolves.

Nasanay na kasi ang Washington sa malalaking pro­­duksyon na ginagawa ni Beal bawat laro.

“I forgot about Brad,” wika ni Brooks sa All-Star guard na si Beal. “He’s a stud. He brings it every night.”

Nagdagdag si Moritz Wagner ng mga career-highs na 30 points at 15 rebounds para sa Wizards.

Si Wagner ang naging unang reserve sa NBA history na nagtala ng 30 points, 15 boards at apat na 3-pointers sa isang laro.

Pinamunuan ni Karl-Anthony Towns, ipinagdiwang ang kanyang ika-24 kaarawan, ang Timberwolves mula sa kanyang 36 points.

Sa Los Angeles, nagsalpak si LeBron James ng da­lawang free throws sa huling 5.5 segundo at sinupalpal na­man ni Anthony Davis ang driving shot ni Harrison Barnes sa pagtunog ng final buzzer para selyuhan ang 99-97 panalo ng Lakers kontra sa Sacramento Kings.

Tumapos si James na may 29 points at 11 assists, habang hinugot ni Kentavious Caldwell-Pope ang 12 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa ikatlong dikit na pananalasa ng Lakers.

Sa Oklahoma City, nagsalpak si Danilo Gallinari ng 28 points para pamunuan ang Thunder sa 127-119 pag­papatumba sa Philadelphia 76ers.

Naglista si guard Chris Paul ng 27 points para sa Ok­lahoma City, nauna nang naipatalo ang tatlo sa apat nilang laro, samantalang nag-ambag sina Shai Gilgeous-Alexander at Terrance Ferguson ng 24 at 19 markers, ayon sa pagkakasunod.

Sa San Francisco, isang slam dunk ang ginawa ni Jay­son Tatum sa huling 1:36 minuto matapos ang jump ball para ilagay ang Celtics sa unahan patungo sa 105-100 paggiba sa Golden State Warriors.

Ito ang pang-10 sunod na pananalasa ng Boston ma­tapos matalo sa kanilang season opener.

Nalasap ng Warriors ang kanilang ikaanim na dikit na kamalasan.

Sa Houston, humataw si James Harden ng 44 points at kumawala ang Rockets sa fourth quarter para kunin ang 111-102 panalo kontra sa Indiana Pacers.

Ito ang ikaanim na dikit na ratsada ng Houston ba­ga­ma’t may mga injury sina center Clint Capela at guards Eric Gordon at Danuel House.

NBA WASHINGTON WIZARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with