UAAP Cheerdance Competition hahataw
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng National Uni­ver­sity Pep Squad ang ka­nilang back-to-back title sa paghataw ng UAAP Season 82 Cheerdance Competition ngayon sa SM Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Inangkin ng NU Pep Squad ang limang korona sa huling anim na taon.

Itatampok ng NU Pep Squad ang kanilang Sa­ri­manok-inspired run sa sahig.

Ang NU Pep Squad ang pang-walo at pinakahuling perfor­mer na nadetermina sa isi­nagawang lottery ilang buwan na ang nakakalipas na kauna-unahan sapul no­­ong 2014 edition kung kai­­lan sila nakakuha ng back-to-back titles.

Ang 2018 runner-up Far Eastern University Che­­ering Squad ang fifth per­former kasunod ang Adamson Pep Squad.

Unang paparada ang De La Salle Animo Squad ka­sunod ang University of the East Pep Squad, Uni­versity of the Philippines Pep Squad at Ateneo Blue Babble Battalion.

UAAP CHEERDANCE COMPETITION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with