Hitting Spree muling babandera sa Cojuangco Cup ngayon
(Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Hitting Spree ang ikatlong sunod na panalo sa pagpapakawala sa 2019 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup ngayon sa Saddle and Clubs Leisure Park Racetrack sa Naic, Cavite.

Nagtala ang SC Stockfarm-owned Hitting Spree ng five-length victory para mapanatili ang korona sa Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup noong nakaraang taon sa parehong venue.

Sa ikatlong sunod na taon ay muling gigiyahan ni jockey Kelvin Abobo ang Hitting Spree sa nasabing 2,000-meter race na naglatag ng kabuuang premyong P3,150,000 para sa pagpaparangal sa dating San Miguel Corp. Chairman, taga-suporta ng horse racing industry.

May 12 pang thoroughbreds sa pamumuno ng Tri­ple Crown winner Sepfourteen (jockey JA Guce) na stablemate ng Hitting Spree ang mag-uunahan para sa top purse na P1.8 milyon sa racing weekend na handog ng Philippine Racing Commission.

Ang runner-up ay tatanggap ng P675,000 at ibibigay ang P375,000, P150,000 at P100,000 para sa second, third at fourth-placers, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang tatakbo ay ang Bugle Notes (jockey JB Hernandez, owner Bell Racing Stable); Certain To Win (CP Henson, Bingson Tecson); Christmas Sky (Pat R Di­lema, C&H Enterprises, Inc.); Greatwall (FM Raquel, Jr., Robert Ramirez); Metamorphosis (CS Pare Jr., Francis­co Paulo Crisostomo); Murika (RG Fernandez, Joseph Dy­hengco); Super Sonic (JB Guce, Leonardo Javier, Jr.); Time and Again (Val R. Dilema, Napoleon Magno); Truly Ponti (PM Cabalejo, Narciso Morales); UND Kantar (Ro Niu, Jr., Melaine Habla) at Viva Morena (Dan Camañero, Bienvenido Pierre Niles III.).

2019 AMBASSADOR EDUARDO M. COJUANGCO JR. CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with