Hawak nina Merwyn Tan at Krizziah Tabora-Maca­tula ang kani-kanilang plane ticket kasama si Joey R. Puyat, Executive Vice President ng Puyat Sports.
Macatula, Tan pa-Indonesia na
(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tangan nina national men’s champion Merwyn Tan at women’s titlist Krizziah Tabora-Macatula ang malaking tiwala sa kanilang pagsabak sa 2019 Qubica AMF Bowling World Cup International Finals simula sa Nobyembre 16-22 sa Indonesia.

Tutungo ngayon sina Tan at Tabora-Macatula sa Palembang, Indonesia kung saan gaganapin ang kumpetisyon.

Ang 28-anyos na si Macatula ay ang wo­men’s international titlist sa Hermo­sillo, Mexico noong 2017 kaya malakas ang kanyang paniniwala na muling madomina ang 2019  edisyon ng Women’s Bowling World Cup.

Malakas din ang determinasyon ni Tan sa nasabing torneo matapos tumapos sa pang-11th puwesto sa Sam’s Town competition sa Las Vegas, Nevada.

Si Tan ay isang 20-an­yos marketing first year estudyante ng College of St. Benilde sa Antipolo City.

Nakuha nina Tan at Ma­­catula ang karapatan na maglaro para sa bansa sa World Cup makaraang magwagi sa national championships noong nakaraang Setyembre 13.

Si Macatula--ang t­a­nging ikatlong Filipina na nag-kampeon sa Bowling World Cup, ang iba ay sina Lita de la Rosa at Bong Coo.

2019 QUBICA AMF BOWLING WORLD CUP INTERNATIONAL FINALS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with