“Ateneo is really a tough team. Kung ano ang effort and hard work na in-exert namin in preparation for UP we’re gonna really double it against Ateneo,” ani Subido.
UAAP
UST handang-handa na vs Ateneo
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos matupad ang pangarap na iangat ang University of Santo Tomas Growling Tigers sa best-of-three Finals ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament, nangako sina Renzo Subido at CJ Cansino na dodoblehin pa ang paghahanda kontra sa two-peat champion at undefeated Ateneo Blue Eagles sa Game 1 nga­yong Sabado sa Araneta Coliseum.

“Ateneo is really a tough team. Kung ano ang effort and hard work na in-exert namin in preparation for UP we’re gonna really double it against Ateneo,” ani Subido.

Kumonekta ang 5’8 guard na si Subido ng triple sa harap mismo ni  6’7 center Bright Akhuetie sa huling 23.6 segundo para sa 68-65 panalo ng UST kontra sa No. 2 seed at twice-to-beat UP Fighting Maroons sa kanilang ikalawang stepladder semis match noong Miyerkules.

Dahil sa kanilang ika-apat na sunod na panalo laban sa Fighting Maroons sa season na ito kabilang na ang dalawa sa elimination round, pumasok muli ang Growling Tigers sa Finals pagkatapos ng halos apat na taon.

Kabilang si Subido sa UST team na huling pumasok sa Finals kasama sina Kevin Ferrer at Ed Daquioag noong 2015 kung saan nabigo sila sa FEU Tamaraws, 1-2, ngunit hindi siya nakalaro dahil sa ACL injury.

“Of course may pressure naman pero marami na kaming napagdaanan. I’ve experienced yung pinaka-down ng team.  Naging part ako dun sa laging talo ang UST team. I just told myself na ‘I don’t want to be a part of that anymore,” dagdag ni Subido.

Matatandaang nagkaroon si Cansino ng knee injury sa laro nila laban sa UP Fighting Maroons sa nakalipas na season sa parehong venue.

“Yung puso ng bawat isa, yung puso ni coach (Al) yung nagdala sa amin sa Finals,” wika ni Cansino.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with