Phisgoc may plano sakaling ‘di matapos ang renobasyon
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May plano na ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) kung hindi makukumpleto ang renobasyon sa mga venues sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila.

Nauna nang siniguro ni Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez na aabot sa deadline ang pagtapos ng mga venues.

“Sabi ni PSC Chairman Butch na aabot naman. First of all, we have contingency, so we’re monitoring it week by week so 17 days to go,” ani Phisgoc chairman Alan Peter Cayetano.

Nagtatrabaho na ng 24 oras ang mahigit 250 cons­truction workers para makumpleto ang pagsasa-ayos sa mga venues.

Ilang araw na lamang ang natitira bago ang pormal na pagbubukas ng Southeast Asian Games ngunit hindi pa tapos ang mga venues sa RMSC.

Lalaruin sa Ninoy Aquino Stadium ang taekwondo at weightlifting habang ang ibang football ay idaraos sa Rizal Memorial Football Stadium. Sa RMSC rin ang lawn tennis, soft tennis, squash at gymnastics.

Sakaling hindi ito matapos, may mga venues nang inihahanda ang Phisgoc na posibleng pagdausan ng mga tatamaang sports.

PHISGOC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with