Bumangon ang Batang Pier mula sa 15-point deficit sa first half para resbakan ang Road Warriors, 102-94 para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
PBA Images
NorthPort humihinga pa
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinapos ng NorthPort ang kanilang dalawang sunod na kamalasan kasabay ng pagpigil sa five-game winning streak ng NLEX.

Bumangon ang Batang Pier mula sa 15-point deficit sa first half para resbakan ang Road Warriors, 102-94 para palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ng 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si import Michael Qualls ng 36 points at 11 rebounds habang kumolekta si Fil-German big man Christian Standhardinger ng 23 markers, 19 boards at 2 assists para sa ikaapat na panalo ng NorthPort sa 10 laro.

“It’s a total team effort. Players wanted to win this game kasi do-or-die game for us,” sabi ni coach Pido Jarencio sa kanyang mga bataan.

Nalasap naman ng NLEX, nauna nang inangkin ang una sa apat na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals, ang kanilang ikalawang kabiguan sa 10 asignatura.

Itinala ng Road Warriors ang 22-7 kalamangan mula sa basket ni center Mike Miranda sa 4:08 minuto ng first period hanggang maagaw ng Batang Pier ang 81-78 abante sa pagtatapos ng third quarter.

Sa fourth period ay tuluyan nang inangkin ng NorthPort ang 96-87 mula sa three-point shot ni Qualls sa huling 3:15 minuto ng bakbakan.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang NLEX.

NLEX NORTHPORT PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with