Manny Pacquiao
Pacquiao torchbearer, palit kay Yulo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magniningning ang Team Philippines dahil magsisilbing torchbearer ng de-legasyon si reigning World Boxing Association welterweight champion Manny Pacquiao sa opening ce­remony ng 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang eight-division world champion ang opisyal na magsisindi ng SEA Games cauldron na magiging simbolo ng opisyal na pagbubukas ng palaro.

Isa si Pacquiao sa mga pangunahing tagasuporta ng Team Philippines sa SEA Games. Nagbigay pa ito ng inspirational message sa mga atletang sasabak sa biennial meet.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pamumunuan ni Pacquiao ang pambansang delegasyon kung saan naging flagbearer na ito noong 2008 Olympic Games sa Beijing, China.

Orihinal na torchbearer si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

Subalit hindi ito maa­aring maging torchbearer dahil sa conflict sa skedyul ng gymnastics competition at opening ceremony.

Magsisimula ang gymnastics competitions sa Disyembre 1 - isang araw matapos ang opening ce­remonies.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with