Trae Young
AFP
Young inakay ang Hawks sa panalo
(Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

DENVER -- Umiskor si guard Trae Young ng 15 sa kanyang season-high na 42 points sa fourth quarter at nagtala ng 11 assists para tulungan ang Atlanta Hawks na ungusan ang Nuggets, 125-121.

Nagsalpak si Young ng 8-for-13 shooting sa three-point line para sa Atlanta.

Nagdagdag naman si Jabari Parker ng 20 points at 9 rebounds habang may 17 markers si Alex Len para sa Hawks na naglaro sa second half na wala si guard Kevin Huerter.

Nasaktan ang braso ni Huerter matapos siyang hampasin ni Nuggets center Nikola Jokic sa 9:57 minuto ng third period at hindi na nakabalik sa laro.

Pinamunuan ni Will Barton ang Denver mula sa kanyang 21 points kasunod ang 20 at 19 markers nina  Jokic at Paul Millsap, ayon sa pagkakasunod.

Sa Phoenix, kumolekta si Anthony Davis ng 24 points at 12 rebounds habang may 23 markers si Kyle Kuzma para akayin ang Los Angeles Lakers sa 123-115 pagpapalubog sa Suns.

May 8-2 record, nasa kanilang best 10-game start ang Lakers simula noong 2010 at nakabangon buhat sa home loss sa Toronto Raptors noong Linggo.

Tumapos si LeBron James na may 19 points, 11 assists at 7 rebounds para sa Los Angeles.

Sa Miami, tumipa si Jimmy Butler ng 11 sa kanyang 20 points sa fourth quarter at naglista ng 13 assists para pamunuan ang 117-108 panalo ng Heat laban sa Detroit Pistons.

NBA TRAE YOUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with