Uy, Nicolas handa para sa 1-2 finish
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sigurado na si Tokyo Olympics bound Ernest John Obiena sa gintong medalya sa men’s pole vault sa 2019 Southeast Asian Games athletics competition.

At handa rin sina Filipino-American athletes Natalie Uy at Alyana Nicolas na makuha ang 1-2 finish sa women’s pole vault na idaraos sa New Clark City Sports Complex sa Tarlac.

Parehong nasa Amerika sina Uy at Nicolas para sa kanilang final preparations.

Unang nagpasiklab si Uy sa 2019 Philippine National Open Athletics Championships noong Marso sa Ilagan City Sports Complex kung saan nasungkit nito ang ginto matapos magrehistro ng record-smashing 4.12 meters para burahin ang 11 taong national record na 4.11 meters ni Deborah Samson sa 2008 California Regionals.

Nakapilak naman si Nicolas bunsod ng naitala nitong 3.8 meters.

Humirit din si Uy ng tanso sa Asian Athletics Championship sa Doha, Qatar kung saan winasak nito ang sariling Philippine record sa bendisyon ng 4.20 meters.

Ito ang parehong torneo na nakaginto si O­biena hawak ang 5.70m na nakuha nito.

ERNEST JOHN OBIENA SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with