Petecio susuntok sa quarters
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumaan muna sa butas ng karayom si Norlan Petecio bago makuha ang split decision win na nagdala sa kanya sa quarterfinals ng men’s light­weight (56-60 kg.) sa 2019 ASBC Asian Youth Boxing Championships sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Kinailangan ni Petecio na ilabas ang lahat ng puwersa nito sa final round upang hablutin ang 3-2 panalo kay Eziz Muhammetmyradov ng Turk­menis­tan sa first round ng event na inorganisa ng Asian Bo-xing Confederation.

Magkakatulad na 30-27 desisyon ang ibinigay ng mga judges mula Sri Lanka, Iraq at Turkey para kay Petecio.

Pumabor naman sa Turkmenistan bet ang da­lawa pang judges mula Kyrgyzstan at Syria na parehong nagtala ng 29-28 iskor.

Muling babanat si Petecio sa quarterfinals laban naman kay second seed Thankhui Noppharat ng Thailand na nakasiguro ng opening round bye.

ASIAN YOUTH BOXING CHAMPIONSHIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with