Pilit na inaagaw ni Christian Balagasay ng San Beda ang bola kay Edson Batiller ng Letran sa aksyong ito.
Joey Mendoza
Isa na lang sa Letran
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng No. 3 seed Letran Knights ang top seed at three-peat champion San Beda Red Lions, 65-64 kahapon para sa 1-0 bentahe sa kanilang best-of-three Finals series ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena saPasay City.

Sa kanilang mahigpit na depensa nagkaroon din ng tiwala ang Knights sa opensa para putulin ang mahabang 18-game winning streak ng San Beda at 32 overall -kabilang na ang 14 sa nakaraang season.

Tumipak si Fran Yu ng sampung puntos, anim na assists at tatlong rebounds para sa malaking sorpresa laban sa paboritong 22-time champion Red Lions.

“Oras na namin. Nakukuha na namin ang mga shots namin kaya maganda ang nilalaro ng buong koponan,” sabi ni Yu.

Ayon kay Letran coach Bonnie Tan, tatapusin na nila ang serye para sungkitin ang kanilang pang-18 titulo sa Game 2 sa Biyernes sa parehong venue.

Napigilan ng Knights ang Red Lions na lumayo sa unang dalawang yugto kaya umabot sa walong lead changes at tatlong deadlocks ang laro sa pagtatapos ng first half.

Sa triple ni Jeo Ambo­hot at basket ni Larry Mu­yang lumamang pa ang Letran ng apat na puntos, 22-18 mahigit 9:22 ang nalalabi sa unang yugto bago nabawi nina Nelle at Kwekuteye ang bentahe para sa Mendiola-based team, 32-28 sa ikalawang yugto.

Sa juniors’ division, lumapit ang San Beda Red Cubs ng isang hakbang tungo sa kanilang ika-23rd titulo matapos padapain ang Lyceum Junior Pirates, 94-80 sa Game 1 ng best-of-three Finals series.

LETRAN KNIGHTS NCAA SAN BEDA RED LIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with