Magtutuos ang Road Warriors at Batang Pier ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Ernie Peñaredondo/File
NLEX kapit pa sa itaas vs NorthPort
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng NLEX na mapatibay ang pagkapit sa solong liderato habang determinado naman ang NorthPort na pigilan ang kanilang pagbulusok para sa tsansa sa eight-team quarterfinal round.

Magtutuos ang Road Warriors at Batang Pier ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng Alaska Aces at Phoenix Fuel Masters sa alas-7 ng gabi sa 2019 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sumasakay ang NLEX sa five-game winning streak na nagbigay sa kanila ng 8-1 record kasunod ang Meralco (8-2), TNT Katropa (7-2), Barangay Ginebra (6-3), San Miguel (6-4) at nagdedepensang Magnolia (5-5).

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa magtatapos sa No. 8, 7, 6 at 5.

“We need to preserve our gains by improving our consistency and this game is a big test,” ani coach Yeng Guiao sa pagharap ng kanyang Road Warriors kontra sa Batang Pier. “Our focus is on execution and trying to get better for the next round.”

Muling aasahan ng NLEX sina import Manny Harris, Kiefer Ravena, JR Quiñahan, Poy Erram at Jericho Cruz, nagsalba sa kanilang 86-85 paglusot laban sa Magnolia noong Linggo.

Itatapat naman ng NorthPort, nasa two-game losing skid, ni mentor Pido Jarencio sina reinforcement Michael Qualls, Christian Standhardinger, Sean Anthony, Kevin Ferrer at Garvo Lanete.

Samantala, magpapalakas naman ng kani-kanilang pag-asa ang Alaska at Phoenix para makapasok sa quarterfinals.

Nagkarga ng dalawang sunod na panalo ang Aces para sa kanilang 3-6 baraha kapantay ang Batang Pier, habang nahulog ang Fuel Masters (2-7) sa tatlong dikit na talo.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with