Asam ng Growling Tigers na muling tumuntong sa Finals simula noong 2015 habang hangad naman ng Fighting Maroons ang ikalawang sunod na Finals appearance matapos walisin ng Ateneo, 0-2 sa Finals noong nakaraang taon.
Philstar.com/Erwin Cagadas
Fighting Maroons o Tigers?
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pag-aagawan ng No. 4 seed University of Santo Tomas Growling Tigers at No. 2 seed University of the Philippines Fighting Maroons ang huling Finals berth sa do-or-die battle ng stepladder semis sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Asam ng Growling Tigers na muling tumuntong sa Finals simula noong 2015 habang hangad naman ng Fighting Maroons ang ikalawang sunod na Finals appearance matapos walisin ng Ateneo, 0-2 sa Finals noong  nakaraang taon.

Nakatakda ang engkuwentro ng Fighting Maroons at Tigers sa alas-4 ng hapon matapos ang labanan ng FEU Lady Tams at Tigresses sa alas-12 ng tanghali sa women’s division.

Tiyak na tangan ng UST ang momentum bunga ng kanilang 89-69 panalo sa unang pagtatagpo ng stepladder semis noong Linggo.

Naibaba ng UST ni coach Aldin Ayo sa winner-take-all match ang twice-to-beat bentahe ng UP bilang second seeded team kaya ang magwawagi sa kanilang labanan ay haharap kontra sa top seed at undefeated Ateneo Blue Eagles sa best-of-three Finals simula sa Sabado sa Big Dome.

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with