NBA
Jackson Jr. itinakas ang Grizzlies vs Spurs
(Pilipino Star Ngayon) - November 13, 2019 - 12:00am

SAN ANTONIO -- Kumamada si Jaren Jackson Jr. ng 24 points at inistorbo ng Memphis Grizzlies ang jersey retirement ni Tony Parker sa 113-109 paggupo sa Spurs.

Itinaas ang uniporme ni Parker sa rafters sa hanay nina Big Three members Tim Duncan at Manu Ginobili.

Iginiya nina Parker, Duncan at Ginobili ang San Antonio sa apat sa kanilang limang kampeonato at may most wins (541) sa sinumang tatlong players sa league history.

Samantala, ang triple ni Jackson ang nagbigay sa Grizzlies ng 111-109 abante sa huling 25.5 segundo ng fourth period.

Sinupalpal din ni Jackson ang drive ni San Antonio star DeMar DeRozan para mapanatili ng Memphis ang kanilang two-point advantage.

Nagdagdag si Dillon Brooks ng 21 points at humakot si Jonas Valanciunas ng 18 points at 12 rebounds para sa Grizzlies.

Pinamunuan ni LaMarcus Aldridge ang Spurs sa kanyang 19 points kasunod ang 18 at 12 markers nina Rudy Gay at DeRozan, ayon sa pagkakasunod.

Sa San Francisco, kumolekta si center Rudy Gobert ng 25 points at 14 rebounds para pamunuan ang Utah Jazz sa 122-108 paggupo sa Golden State Warriors.

San Los Angeles, tumipa si Lou Williams ng 21 points, habang naimintsi ni Kawhi Leonard ang isang triple-double sa 98-88 pagdaig ng Clippers sa defending NBA champion Toronto Raptors.

JAREN JACKSON JR NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with