^

PSN Palaro

Ready to rumble!

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ready to rumble!
Paborito ang Red L­ions kontra sa Knights sa kanilang pagtatagpo alas-4 ng hapon dahil sa kanilang 18-0 sweep sa double-round elimination.

SBU vs Letran sa Game 1

MANILA, Philippines — Sisimulan ng top seed at undefeated San Beda ang hakbang tungo sa kanilang ika-23rd titulo sa pagharap kontra sa No. 3 seed Letran ngayon sa Game 1 ng best-of-three Finals series ng Season 95 NCAA men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Paborito ang Red L­ions kontra sa Knights sa kanilang pagtatagpo alas-4 ng hapon dahil sa kanilang 18-0 sweep sa double-round elimination.

Hangad naman ng  top seed SBU Red Cubs na masungkit ang pang-23 korona laban sa second seed Lyceum Junior Pirates sa Game 1 ng best-of-three Finals ng juniors’ division sa ala-1 ng hapon.

Asam din ng Red Lions ang kanilang pang-apat na sunod na korona upang lumapit sa muling five-peat na kanilang nakamit noong 2010 hanggang 2014 sa panahon ni dating head coach Frankie Lim.

Ngunit, hindi rin natitinag ang Letran sa lakas ng katunggali dahil sanay na rin sila sa championship pressure bilang ikalawang winningest team ng ol­dest collegiate league sa kanilang 17 titles, ang huli ay noong 2015 sa panahon ni dating head coach Aldin Ayo.

Dahil dito, asahan na ang down-the-wire battle ng da­lawang koponan na kapwa hawak ang yaman sa tradis­yon at kasaysayan sa liga.

Hindi pa nagwawagi ang Letran sa San Beda sa dalawang pagtutuos sa elimination round, pero malakas naman ang tiwala ni Letran coach Bonnie Tan bunga ng kanilang five-game winning streak bago ang pagsagupa sa Red Lions sa Finals.

Pinataob ng Letran ang No. 4 seed San Sebastian Stags, 85-80 sa unang round ng stepladder semis noong Nobyembre 5 at sinundan ng kumbinsidong panalo kontra sa No. 2 seed Lyceum Pirates, 92-88 sa ikalawang stepladder semis para masungkit ang ikalawang Finals berth noong Nobyembre 8.

Ayon kay Letran coach Tan, kakalimutan na nila ang mga nakaraang statistics  dahil iba na ang labanan sa championships kung saan ang koponan na mas gutom sa korona ang magwawagi sa dulo ng laban.

Malaki umano ang advantage ng Letran bunga ng matagal ding nagpa­hinga ang Red Lions, ang huli nilang laban ay sa Lyceum, 85-62 noong Oktubre 17 makaraang ma-sweep ang elims.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with