Hinabol ni Kings forward Harrison Barnes si Raptors guard Kyle Lowry sa aksyong ito sa NBA.
Lowry, Siakam gumana sa Raptors
(Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2019 - 12:00am

TORONTO -- Kumo­lekta si Pascal Siakam ng 23 points at 13 rebounds habang tumipa si Kyle Lowry ng 24 para pamunuan ang 124-120 paggupo ng Raptors kontra sa Sacramento Kings.

Humugot naman si Serge Ibaka ng 10 sa kanyang 21 points sa fourth quarter at tumapos si OG Anunoby na may season-high 18 markers para sa pang-limang sunod na panalo ng Raptors laban sa Kings.

Nagdagdag sina Fred VanVleet at Marc Gasol ng tig-12 points para sa Toronto, may 4-0 home record ngayong season.

Binanderahan ni Harrison Barnes ang Sacramento mula sa kanyang 26 points kasunod ang 22 at 21 markers nina Bogdan Bogdanovic at Buddy Hield, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ng Raptors ang two-game winning streak ng Kings, nauna nang tinalo ang Utah Jazz at New York Knicks makaraan ang 0-5 panimula.

Sa Indianapolis, pinatumba ng Indiana Pacers ang Washington Wizards, 121-106 tampok ang 21 points ni T.J. Warren.

Sa Salt Lake City, kumamada si Donovan Mitchell ng 24 points para ihatid ang Utah Jazz sa 106-104 paggiba sa Philadelphia 76ers.

KYLE LOWRY NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with